
Ang iibig sa akin ay iibigin ng Ama.”
Sa gitna ng mga pagsubok na ating pinagdaraanan ngayon ahil sa COVID-19, napakagandang pagnilayan ang Salita ni Hesus. Tayo ay mahal nya at hindi nya pababayaan. Anuman ang ating sitwasyon ngayon sa buhay, lalo na sa ating mga OFWs na malayo sa kanilang pamilya, tanging panalangin at pananampalataya at pagmamahal kay Hesus ang magbibigay sa atin ng lakas. Sabi nga ni Hesus ang umibig sa kanya ay iibigin din ng Ama. Dahil ang Diyos ay pag-ibig. Mahal tayong lahat ng Diyos ay hangad nya ang kabutihan at kagalingan nating lahat.
Mula ng dumating ang corona virus para bang tumigil ang lahat at dapat daw tayong mag social distancing, mag face mask at wala munang hawak kamay o yakapan. Parang napakahirap di ba. Pero sa kabila ng lahat mas kumapit tayo sa Diyos. Kasi sa pag-ibig ng Diyos walang social distance. At sa ating pagdarasal walang lockdown, bukas ang lahat sa Diyos. Magdasal tayo at hingin natin ang patnubay ng Espiritu Santo upang tayo’y palakasin at turuang magmahal sa Diyos ng buong puso at kaluluwa. Huwag tayong mangamba o mag alala dahil mahal tayo ni Hesus. Hindi nya tayo pababayaan. Mahalin natin si Hesus at ang ating kapwa at mamahalin tayong higit ng Diyos Ama. Pagpalain po tayo at pagalingin at palakasin ng Diyos.
• Father Arnold Abelardo CMF